USER LOGIN
Fill in your login details below.

Matagal daw niyang itinikom ang kanyang bibig, nagbulag-bulagan at nagbingi-bingihan sa mga anomalyang nangyayari sa Armed Forces of the Philippines. Ngayon, mas handa na raw siyang isiwalat ang katotohan sa ngalan ng pagmamahal sa bayan. Siya ang dating Commission on Audit (COA) auditor na si Heidi Mendoza, palaban, emosyonal at ang sentro ngayon ng imbestigasyon sa mga alingasngas ‘di umano sa AFP. Kilalanin ang babae sa likod ng palabang auditor sa ulat ni Rhea Santos.
